PINOY NEWS PORTAL THE ONLY 24/7 NEWS BLOG IN THE PHILIPPINES! DAHIL HINDI NATUTULOG ANG BALITA!

RADIO

LIVE PHILIPPINE RADIO STATIONS!

Wednesday, November 11, 2009

ALING DIONISIA GETS HOTTER!



"Malakas pa rin kahit may edad na!"

Ito ang paulit-ulit na sinasabi ni Dionisia Pacquiao sa press launch ng Osteo-Gard na naganap kagabi, Nobyembre 6, sa Aberdeen Court, Quezon Avenue, Quezon City. Ang supplement for bone health ang ika-apat na endorsement na ng popular na ina ni boxing champ Manny Pacquiao.
SUITORS A-PLENTY. Hindi kinaila ng ina ng Pambansang Kamao na kahit may edad na siya ay nai-in love pa rin siya.

Aniya, "Hindi naman maiiwasan kahit na may edad na tayo, lalong tumitibok ang puso mo. Pero kailangan ilagay mo sa kabutihan. Kailangang tumitibok sa pagmamahal ng pamilya mo, mga anak mo."

Inamin din niya na mayroon pa rin siyang mga manliligaw ngunit hindi na niya ito masyadong pinapansin.

"Hindi ko man itago, maraming [manliligaw]. Hindi nga mayaman pa ako, hindi ganito ang buhay namin noon pa. Kahit mahirap, madami. Pero iwas talaga!" natatawang pahayag ni Mommy Dionisia.

Patuloy pa niya, "Sabi ko, ano ba ang hinahabol ninyo sa akin? Mahirap ako, nagre-rent lang ako ng bahay. [Sabi nila], 'Kasi mabait ka, kasi mapagmahal ka sa kapwa tao mo.' 'Yon ang hinahabol nila. [Sabi nila], 'Hindi pera ang hinahabol ko. Ang future mo, mabait ka, magaling ka mag-intindi ng mga mahihirap.'"

Pero ayon kay Mommy Dionisia, "Hindi ko nilagay sa dibdib at saka sa isip. Nadaanan ko na ang mga kabiguan. Bakit maghahawak ka pa ng bato na ipukpok sa ulo mo?"

Sa Nobyembre 14, muling sasabak si Manny upang labanan ang Puerto Rican na si Miguel Cotto. Sa okasyong ito, maaaring magkita uli si Mommy Dionisia at ang dati niyang asawa. Kung sakali ba ay may pag-asa pang magkabalikan sila ng ama ni Manny?

"Ika-apat na siyang nagbalik sa akin, ayaw ko na. 'I'm sorry,' sabi ko. Para na lang kaming magkapatid sa tingin ko," diretsahang sagot ni Mommy Dionisia. - Nerisa Almo, PEP

0 Comments:

Related Posts with Thumbnails