PINOY NEWS PORTAL THE ONLY 24/7 NEWS BLOG IN THE PHILIPPINES! DAHIL HINDI NATUTULOG ANG BALITA!

RADIO

LIVE PHILIPPINE RADIO STATIONS!

Wednesday, November 11, 2009

SARAH ANG REGINE VELASQUEZ! AS ONE


Pop Star Princess, and soon queen, Sarah Geronimo breaks another record nang mapuno niya ang Araneta Coliseum last November 7, para sa kanyang "Record Breaker" concert. Jampacked at punong-puno hanggang sa bleachers ang Big Dome at kitang kita mong lahat ng mga nanood ay excited. Maagang nagsiputan ang mga tao sa venue at talaga namang punong puno at walang bakanteng upuan kang makikita. Full support ang mga Popsters at fans ni Sarah na binigyan talaga ng Viva Management ng front row exclusive seats para mas ma-feel ni Sarah ang suporta sa kanya ng mga fans at true enough, hindi naman siya binigo ng mga ito. Kahit ano pang kantahin ni Sarah, todo bigay at sayaw ang mga fans niya.

Mixed reactions kami sa naturang concert pero undeniably, napaka-flawless na tinig ni Sarah. Kahit anong kantahin niya, dance song, ballad o may pagka-R&B, talagang walang kupas ang kanyang boses. Maganda sana ang opening pero useless ang pinamigay nilang 3D glasses. Pinagamit lang ang glasses para sa countdown bago magsimula ang opening. Napakasimple lang, at mukhang nagkapalpak pa sa audio ang opening number, dahil halos di marinig si Sarah at yung boses ng mga back-up singers niya ang naririnig! Medyo palpak din ang video wall ng naturang concert na siyang nagsilbing major backdrop ng kanyang stage.

Interesting ang mga kinanta ni Sarah lalo na ang mga lovesongs at theme songs ng mga pelikula at album niya. Nagkaroon din siya ng mahabang segment dedicated to all the sponsors, wherein she sang all the jingles. May intermission number din kung saan kumanta si Sarah with the newest young Viva Pop group na "Pop Girls" at kinanta nila ang "Nobody". May Michael Jackson medley rin na kinanta si Sarah. Special guest din nung gabing iyon si Christian Bautista kung saan kumanta sila ng Regine Velasquez-Jose Mari Chan classic na "Please Be Careful with my Heart".

And speaking of Regine, touching moment talaga ang pagbati ni Sarah kay songbird na nandoon sa audience area malapit kay Boss Vic del Rosario ng Viva. Nilapitan ni Sarah si Regine nang kantahin nito ang "You Changed my Life" at nagpasalamat. Nagulat ang lahat ng ibigay ni Regine ang kanyang mamahaling pearl necklace kay Sarah. Nagpalakpakan ang mga tao at yun na ang naging hudyat ng pagkokorona ni Regine kay Sarah bilang the "biggest OPM singer" ngayon. Tanging si Sarah na lang ang nakakapuno ng Araneta Coliseum hanggang sa bubungan, at dahil dito, tuwang-tuwa si Regine. Marahil, naaalala ni Regine ang kanyang mga kapanahunan noong nagsisimula pa siya.

Full support ang mga kapamilya sa ABSCBN sa pangunguna ni Channel Head Cory Vidanes, Star Cinema Managing Director Malou Santos, pati ang mga ASAP stars na sina Iya Villania, Anne Curtis, Rayver Cruz, Maja Salvador, Nikki Gil at marami pang iba. Todo naman ang hiyawan ng lahat ng lumabas na sa stage ang Kanto Boys na sina Vhong Navarro, Billy Crawford, Luis Manzano minus John Lloyd Cruz. Hit na hit ang pagsasayaw ni Luis na kinatuwa ng lahat.

All in all, maganda at better ang "Record Breaker" kumpara sa "The Next One". Good sign ito dahil ibig sabihin, nag-iimprove ang concerts ni Sarah everytime.

0 Comments:

Related Posts with Thumbnails