PINOY NEWS PORTAL THE ONLY 24/7 NEWS BLOG IN THE PHILIPPINES! DAHIL HINDI NATUTULOG ANG BALITA!

RADIO

LIVE PHILIPPINE RADIO STATIONS!

Monday, November 9, 2009

ERAP AT KRIS NO POLITICS MUNA!


Matapos maudlot ang kanyang paglabas sa The Buzz noong mga nakaraang Linggo ay natuloy na ring mag-guest si former president Joseph Estrada sa nasabing talk show kahapon bitbit pa ang P1 milyon bilang donasyon niya sa Sagip Kapamilya mula sa kanyang talent fee sa paggawa ng pelikulang Ang Tanging Pamilya.

Ipinaliwanag din ni Erap na inspirasyon niya si Kris Aquino upang mag-donate dahil naging puspusan din ang ginawang pagtulong ni Kris para sa mga nasalanta ng bagyo.

Naging madamdamin din ang paghaharap ni Kris at ni Erap dahil pinagusapan nila ang kanilang mga alaala kay dating pangulong Corazon “Cory” Aquino. Ikinuwento ni Erap kung paano humingi ng advice sa kanya si Tita Cory kung papayagang mag-artista si Kris noon.

Sa puntong ito ay naluha si Kris at nagpasalamat kay Erap dahil sa kabutihang ipinakita nito sa kanyang pamilya. “I will never forget po all the kindness na pinakita n’yo po sa mom namin,” paliwanag ni Kris. Idineklara rin ni Kris na ang relasyon ng kanyang pamilya at sa pamilya ni Erap ay beyond politics. “Every time kasi na nagtatanong tungkol sa pulitika, sa mga aquino at mga Estrada wala nang puli-pulitika kasi po naparamdam n’yo sa amin na mahal n’yo ang mom namin at ipinaramdam n’yo po na nandun kayo. So kung anuman ang mangyari po ‘di ba, alam n’yo po mahal namin kayo.”

Sinang-ayunan naman ito ni Erap at ipinaliwanag na mataas talaga ang respeto niya sa yumaong Tita Cory. “Hindi lang pagmamahal at ang paggalang ko sa ating dating pangulo, ganun na lamang ang respeto ko at paggalang,” ani Erap. “’Yung atin naman ngayon, ‘yung pagmamahal ko sa inyo, lalo na ngayon ulila na kayo ang pagmamahal ko sa inyo is beyond politics.” Very thankful naman si Kris sa pahayag na ito ni Erap at sinabi niyang naniniwala siya sa pahayag ng dating pangulo.

Samantala, magbubukas na sa sinehan ang comeback movie ni Erap na Ang Tanging Pamilya sa Miyerkules November 11 kasama sina AiAi delas Alas, Toni Gonzaga at Sam Milby. Ang movie mula Star Cinema ay may premiere night din sa Nov 10 sa SM Megamall.

0 Comments:

Related Posts with Thumbnails