PINOY NEWS PORTAL THE ONLY 24/7 NEWS BLOG IN THE PHILIPPINES! DAHIL HINDI NATUTULOG ANG BALITA!

RADIO

LIVE PHILIPPINE RADIO STATIONS!

Monday, November 9, 2009

RECORD BREAKER DEAL MAKER!SARAH G!


Certified record-breaking hit ang naging concert ni Sarah Geronimo noong Sabado, November 7 sa Araneta Coliseum kung saan punum-puno ng mga taga-suporta niya ang nasabing venue. All-out support din ang mga showbiz friends ng Pop Star Princess gaya nina Anne Curtis, Rachelle Ann Go, Christian Bautista, Iya Villania, at marami pang iba. Malaking sorpresa naman para kay Sarah ang pagdalo ng Songbird na si Regine Velasquez na nanood ng nasabing concert.

Ipinaabot naman ng singer ang kanyang pasasalamat sa patuloy na pagsuporta sa kanya ng kanyang mga fans. “Thank you very much for making this a record-breaking event sa akin pong career, sa akin pong journey in this business. Maraming-maraming salamat po sa pagmamahal ninyo at mahal ko rin po kayong lahat,” sabi ni Sarah.

Kung happy si Sarah sa turn-out ng kanyang concert ay obvious namang hindi siya natutuwa sa mga intriga na ikinakabit sa kanilang dalawa ni Gerald Anderson sa planong paggawa nila ng pelikula. Nilinaw ni Sarah na nauunawaan niya ang reaksyon ng mga taga-suporta niya at mga taga-suporta ng tambalang Kim Chiu-Gerald Anderson. “Masyado nang maraming nasasabing hindi maganda sa amin,” simula ni Sarah sa panayam sa kanya ng The Buzz. “Naiintindihan ko lahat ‘yung mga fans ng Kimerald wala sa akin ‘yon. Hindi ko po kasi ipinagpipilitan ang sarili ko na makaperaha si Gerald. Wala na tapos na po. Ako na po ang nagsasabi na itigil na po natin kasi hindi maganda ang nagiging resulta, huwag ipilit.”

Pinuri naman ni Boy Abunda si Sarah dahil mas gusto ng nasabing singer na hindi magkaroon ng gulo at mas makabubuting huwag na lamang matuloy ang tambalan nila ni Gerald kung marami rin naman ang hindi magkakasundo dahil doon. Inihayag din ng host ang kanyang paghanga kay Sarah dahil sa pagmamahal nito sa kanyang trabaho. “Despite her success she has remained a good girl and close to her family,” paglalarawan ni Boy. “Maraming beses kaming nagkakasalubong sa labas na kasama ang kanyang pamilya. She’s very shy, very quiet off stage. Pagsampa sa entablado she’s an entirely different performer

0 Comments:

Related Posts with Thumbnails